Newsroom
Ipaglaban ang Disenteng Hanapbuhay!
3.4
milyong manggagawa-babae’t lalake-ay walang hanapbuhay. 4.7
milyon ang naghahanap ng karagdagang kita. Isa sa bawat tatlo ay
contractual. Higit 80,000 pa ang natanggal sa trabaho bunga ng pagsasara
ng kumpanya. Dadami pa ang bilang na ito.
Isa sa bawat dalawang manggagawa ay napupunta sa informal sector.
7 milyon migranteng manggagawa Pilipino ay walang kapangyarihang
pampulitika at naglalaho sa lipunan.
Humahaba ang oras ng trabaho ngunit lalong nagdarahop ang manggagawa.
Noong 1998, 46.8 oras lang kada lingo ang trabaho, kumpara sa 48.4
oras nitong 2000. Lugmok sa kahirapan ang 37 porsyento ng mga pamilya
noong 2000, higit ng dalawang porsyento, kung ihahambing sa naunang
dalawang taon.
Nakagugulat ang mga balitang nakabangon na ang ekonomiya gayung
walang pag-unlad na naramdaman ang mga manggagawa. Sa kondisyong
walang hanapbuhay o walang tiyak at disenteng hanapbuhay, may nagbabadyang
kaguluhan.
Bakit
mas matagal na nga ang trabaho, nabawasan pa ang kita ng manggagawa?
Bakit manghuhuthut pa ng mas mataas na singil sa elektrisidad, gas
at tubig? Bakit nagbabantang palakihin ang kontribusyon sa SSS,
matapos lustayin ng mga opisyal ang pera ng mga kasapi nito? Bakit
kailangang magpataw ng dagdag na buwis sa murang serbisyong pangkomunikasyon
samantalang di naman sinisingil ang malalaking utang na buwis ng
mayayaman?
At bakit kailangan mawalan ng hanapbuhay kaming manggagawa dahil
sa kagustuhan ng WTO? Bakit malayang pinapapasok ang semento, sasakyan,
bakal atbp. sa Pilipinas, gayung mismong mga nag-aangkat nito ay
hinaharang ang mga ito sa bansa nila?
Ang
mga sagot ay kasinglinaw ng sarswela sa pulitika. Hindi makakabangon
ang bansa sa hagupit ng globalisasyon kung walang pagtutulungan
(social cooperation), na bunga ng tunay na pagsasamahan (social
partnership) sa ilalim ng pagtitiwala at paggagalangan ng mga magkakatuwang
(social partners).
Nananawagan
kami ng mas maraming pag-uusap (social dialogue) sa lahat ng antas
at larangan. Na may kalakip na agarang aksyon. Ang National Socio-Economic
Pact of 2001 ay mabuting simulain subalit kailangan itong igiit
sa pamamagitan ng pagkilos, lalo na ang nilalaman nitong social
commitments.
Maraming tutol sa patakarang pangkalakalan ng WTO at AFTA. Lalo
na sa liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon. Kahit papaano,
kailangang pag-aralan ang mga naturang patakaran upang umayon sa
disenteng hanapbuhay. Samantala, kailangang tulungan ang mga industriya
at trabaho hanggang may sapat nang pananggalang (social protection)
ang mga empresa at manggagawa.
Ang mabuting pamamahala (good governance) ay kailangan. Maliban
sa kahusayan at katapatan, nararapat din ang pakikibahagi at pagbibigay-kapangyarihan
(empowerment) sa mga organisasyong nakaugat sa mamamayan. Ipagtanggol
at hikayatin ang pagbubuo ng mga unyon at ibang samahang manggagawa
na kumakatawan sa tinig ng paggawa. Italaga ang kanilang mga kinatawan
sa mga susing policy making bodies upang itaguyod ang sektoral na
interes.
Ang
100 taon ng unyonismo ay higit na magiging makabuluhan kung patatatagin
ang unyonismo at iba pang organisasyong nakaugat sa mamamayan para
sa susunod pang 100 taon ng pakikibaka na magtatatag ng isang lipunang
Pilipino na demokratiko at may katarungan para sa lahat!
Ipaglaban
ang disenteng hanapbuhay!
1
May 2002.
Federation
of Free Workers!
Back
to NEWSROOM page |